BLOG

Buti pa ang Roma may bagong Papa (Review #2)


POV: The Writer Wannabe

NORINGAI, or Noreen Capili, is a thirtysomething……… A graduate of BA Creative Writing in UP Diliman, she dreamed of seeing her name on the TV screen, releasing her own book, and writing for films.

Pangarap Pinangarap ko ding maging writer. Sa magazine, newspaper, ads, kahit sa TV at Film. Journalism ang first choice ko nung College, sa UST or UP Baguio. Part kasi ako ng school paper, news and feature writer. Nakapasok ako once sa Regional School’s Press Conference, News Writing Category, 5th place kasi ako noon sa Division level. Pero di na ko nakapasok sa National. Olats.

Pero sa totoo lang, hindi naman yung Press Conference ang nagpakumbinse sakin na gusto kong magsulat. Parang ang babaw kasi ng totoong dahilan, pero eto: CANDY Magazine. I’ve been an avid collector of CANDY Mag back in HS. Every page of every month’s issue, basang basa ko, kahit mga ads pa yan. Naalala ko pa nung tinanong ako ng friend ko kung may sunog, ano unang ililigtas kong gamit, sagot ko, “yung collection ko ng CANDY.” Hangang hanga ako sa mga editors and writers ng CANDY kaya lagi kong binabasa ang mga name ng editorial staff, umaasang balang araw, mapapalagay din ako dun.

Sa UST ako nakapasok, hindi Journalism, kundi Communication Arts. Ok na din, kasi lalawak ang alam ko, may TV, Film, Theater, Creative Writing, Journalism, Radio, Advertising, and so on. Mas makakapamili ako ng gusto ko talaga.
Nagtry ako sumali sa Dept Newspaper ng AB sa UST. Pero di ako nakapasa, siguro hindi talaga ako pang News Writing. Napalipat ako ng Letran, nagiba ang interest ko, sa Film naman. Gusto ko ng maging Script Writer o Director. Pero kahit Prod Assistant lang pwede na din, basta sa Production. Mahilig kasi ako sa artista, at sa puyatan.

Fourth year college ako saUP, inggit na inggit ako sa isang kaklaseng nakapasok sa ABS-CBN bilang production assistant. Kaya noong grumaduate ako, nag-apply din ako sa ABS-CBN. Nalaman ko kasi na kailangan ng writer para sa isang kiddie fantasy show. Nag-apply ako pero hindi natanggap. Naghahanap ng writers para sa week-long romantic series. Nag-submit ako ng sample, hindi pumasa. Sumali ako sa scriptwriting contest para sa mga amateur writers, hindi ako nanalo.

Noong naghahanap ako ng trabaho, bumalik sa CANDY mag ang pangarap ko, o kahit saang magazine, pwede na. Kaya lahat na lang ng opening sa Summit Media, inapplyan ko na. Pero di man lang ako natawagan. Nag-apply ako sa isang Advertising agency, Account Manager, natunaw ako sa interview. Kinorek ang mga wrong pronunciation ko. Sobrang nakakaintimidate. Hindi ako pumasa. Nag-apply akong Content Writer, nag-qualify ako sa area na pang graveyard shift lang, ayaw ng daddy, gawa ng health issues, di ko tinanggap. Nag-apply ako sa Events Agency, yung naghahandle sa mga concerts, inofferan ako ng Internship lang dahil wala daw silang bakante sa regular position, dahil lugi pa sa bahay at pamasahe, hindi ako tumuloy. At ito ang pinakagusto ko, sa ABS-CBN. Halos lahat ng pwede saking position, inapplyan ko sa ABS. Pero naconsider ako sa Promo Writer, nagexam ako. Sineryoso ko ang exam. Pero dahil story board ang pinagawa at hindi ako marunong magdrawing. Natakot ako dahil alam kong waley ang gawa ko. Pero bahala na, tinapos ko. Ayun, di na ko tinawagan. Sobrang lungkot, ABS yun e. Madaming artista huhu.

Tinamad na ko magapply sa gusto ko. Naisip ko, mag-iba muna ng path, saka na lang ako babalik sa pangarap ko. Nagqualify ako sa BELO group, Customer Service Agent, pero dahil mababa ang sweldo, di ako tumuloy. At doon, tinamad na din akong magapply sa Manila. Napunta ako sa Calamba, sa Manufacturing, HR. Hanep sa layo ng course ko. Wala akong kaalam alam sa mundo ng Manufacturing at HR. Pero eto ako, 4 years na.

Noong 2001, nagtatrabaho ako sa isang maliit na kompanya sa Ortigas bilang technical writer, nagsusulat ng manual. 9am to 6pm ang trabaho pero madalas, wala akong ginagawa. Mag-surf na lang sa Web at mag-blog. And I was so miserable sa buhay ko. Kasi ang layo ng ginagawa ko sa gusto ko talagang gawin. Pero naisip ko, tumatanggap ako ng 13K a month, okay na ito.

Hindi masaya ang tintrabaho ko, boring. Walang media. Walang artista. Hindi ako nakakapagsulat. Routine. Araw araw, linggo linggo, buwan buwan. Paulit ulit. Pero masaya ako sa trabaho ko. Iba ang tintrabaho sa trabaho. Masaya ako sa mga nakapaligid sakin, walang competition, tropa tropa lang. Pati kasama ko boyfriend ko. Masaya samin, makukulit, magugulo. Kaya kahit boring ang ginagawa, naggagawa naming pagtawanan.

Sa totoo lang, minsan nakakalimutan ko na ang pangarap ko. Pero kada nakakabasa ako ng ganto, bumabalik ako sa frustrations ko na magsulat. Nakakapag blog ako, pero iba pa din yung gagawin mo syang career. Pero at the end of the day, masaya akong umuuwi sa pamilya ko araw araw, masaya akong kasama ang boyfriend ko sa company, masaya akong kasundo ko ang mga katrabaho ko. Kung ang mga bagay na ‘to ang kelangan kong igive up para ipagpatuloy ang pangarap ko sa Maynila, siguro wag na lang. Kuntento na ko sa pagiging Low Maintenance Rural Girl. ❤️

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s