Books

Buti pa ang Roma may bagong Papa (Review #1)


POV: Someone in a relationship.

Kakatapos ko lang basahin ang Fifty Shades Darker, inabot ako ng 3 months dahil wala akong oras magbasa, busy at lagi akong pagod sa trabaho byahe. Kaya pumili ako ng manipis na libro, yung kaya kong tapusin ng isang linggo. Tatlo ang nakapila saking short books, Win No Matter What (napanalunan ko sa Goodreads.com), The Duterte Manifesto (sa tita ko ‘to),  at itong Buti pa ang Roma… (sa tita ko din ‘to). Dahil may bookshelf ako, iniiwan sakin ng tita ko yung ibang libro nya kada bumabalik sya sa Canada.

Simula pa lang, wala na ko sa mga target audience ng writer.

Single. Alone. Soloista. Lonely. Tigang. Sawi. NBSB. Searching. Waiting. Hoping. This book is for you. Para malaman mo na kahit wala kang dyowa, hindi ka nag-iisa.

Pero tinuloy ko pa din, baka sakaling makarelate dahil minsan sa buhay ko, kasali ako sa mga nabanggit.

1st part. Ok, maganda. Ang personal ng dating. Parang nagsasalita sya in behalf of all the single ladies. Magaan. Nakakatuwa, ng konti.

2nd part. Ok pa din. Pero parang hindi na ko nakakarelate. Hindi ko magawang mailagay ang sarili ko sa audience nya. Masaya ako eh. Nasa relationship ako. Taray! 

3rd part. Ayoko na ata, hindi na ko nageenjoy. Siguro kung nung College ko to nabasa, kahit ang kalog ng pagkakasulat nya at nakakatawa ng bahagya, maiiyak ako. Ang sakit. Ang sakit ng reality.

4th part. Basa basa ng konti. Basa ng mga naka bold, naka italicize. Next part. Scan. Next Part. Scan.

Itatago ko na sana ulit yung libro, pero sa dulo may tungkol sa pagiging writer nya. And it got me. Every words. Every details. Kaya naisipan kong iblog na hiwalay dito. Para hindi naman masyadong maging nobela tong post na to.

Going back, natapos ko ang libro in one night. Hanga ako sa mga katulad nyang writer, yung nagkkwento ng tungkol sa sarili nya. Yung sya talaga ang speaker ng storya. Na kahit personal ang storya, nakakatuwa pa din, nakakadala, nakakaintriga. Uulitin ko, hindi ko nabasa lahat dahil masaya ako sa relationship ko. Pero kung isa ka sa mga target audience nya, panigurado, relate na relate ka dito. Kung hindi  mo pa nababasa, bili ka na, mura lang. 🙂 ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s