Family

Troy, Sorry ha?


Dalawang taon na…

Kagaya nang sa ibang magkakapatid, hindi naiwasan na magkainisan kami ng kapatid ko noong nabubuhay pa siya. Sa tuwing naaalala ko yung mga panahon na inaaway ko siya. Naguiguilty ako. Nahihiya ako sa sarili ko.

Bakit ang ikli ng pasensya ko noon? Bakit ang dali kong mainis pag ayaw mong umayos pag pinapaihi kita? Bakit minsan hindi ko iniintindi ang mga kwento mo saken tungkol sa nangyari sa araw mo? Bakit ang dali kong mainis pag di mo magets yung tinuturo ko sa’yo sa Math? Kung alam ko lang naman na magkakaganito, hinabaan ko sana pasensya ko. Nahihiya ako sa’yo Troy. Bakit kelangang umiyak ka pa pag naiinis ako sa’yo? Hindi ko alam e. Hindi ako ang nasa kinatatayuan mo noon. Hindi ako ang nahihirapan. Hindi ko alam. Hindi ko naiintindihan. Pilit kong kinakalimutan yung mga panahon na mahina ka na. Na hirap na hirap ka na kumain. Masakit e. Bakit kelangang maranasan mo pa yun? Bakit ikaw pa?

Pero sa kabila ng lahat, may mga panahon man na hindi kami nagkakaintindihan ng kapatid ko, wala akong pinagsisisihan na hindi ko naiparamdam sa kanya. Alam kong naiparamdam ko kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ako ka-proud sa kanya. May mga away man kami, mas madami pa din ang masasayang alaala namin. Tiwalang tiwala ako sa samahan naming dalawa. Kung nasaan ka man Troy, sorry ha? 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s