College · Friends · Highschool

HAPPY 6 YEARS, BU!


Nagsimula lahat noong gabi ng ika-24 ng Pebrero, taong 2006, sa rooftop ng tahanan ng mga Surbano. Kasalukuyang nagddrama ang inyong lingkod sa kanyang mga kaibigan, isa na dito ang lalaking nagngangalang Michael Viray. And the rest is history. 

Ang aking best friend na kahit saan eh aking nakasama, mula grade 1 sa SJS, unang apak sa kolehiyo sa UST hanggang pagtambay sa Letran, nakakasama ko siya. Siya yung tipo ng tao na kahit sa kalagitnaan ng madaling araw, pag kelangan mo siya, pupunta siya sa bahay mo at sasamahan ka matulog kung natatakot kang magisa. Ang taong maasahan mo pagdating sa katakawan, sinusulit lahat ng handaan na mapuntahan, ang willing manlibre basta sumama ka sa kanya, ang pwedeng mangunsinte pag may gusto kang gawing kalokohan pero dadamayan ka sa pagiyak pag lumubog ka, ang taong naiiyak sa kantang ‘Half Crazy’, ang taong moody at may topak paminsan minsan, ang taong hinding hindi ka ijujudge sa mga maling nagagawa mo, babatukan ka lang niya at sasabihing ‘tanga ka, wala na tayong magagawa, ganyan talaga ang buhay.’

Sa isang bagay mo lang siya hindi maasahan, ang paggising ng maaga. Yung tipong, nasa labas ka na ng bahay nila, sumisigaw ng “KEL, GISING!!!!!!”, walang talab sa kanya. Masasabi kong, kilalang kilala ko na siya, at kilalang kilala din naman niya ako.

At sa loob ng anim na taon na tawanan, iyakan, laitan, bolahan, katakawan, pagkakaibigan, kasama na ang 11 days na tampuhan, dedmahan, kaartehan, ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga magulang niya na binuhay siya sa mundong ito.

Salamat sa anim na taon BU, more years to come! I love you much! yuck. pwe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s