College · God · Relationship

Alam mo ‘to.


Sabi nila, life is so short para malungkot. Malungkot sa bagay na akala mo eh sobrang bigat na, na akala mo ikaw na ang pinakamalas na tao sa mundo at nangyari yun sayo. Kasi ano nga ba mangyayari kung sagadin mo sarili mo sa lungkot? Pero sabi naman ng iba, ifeel mo lang daw yung pain, sagadin mo hanggang lungs. Yung tipong, feeling mo lahat na lang ng broken love songs eh parinig sayo. Tulad ng “Breakeven” na kay daming nakakarelate.

His best days will be some of my worst. He finally got a girl that’s gonna put him first. 

Ay anak ng, masasabi mo na lang, “The Script, I can hear you singing my life.” Tapos wala kang ibang gagawin kundi icompare ang sarili mo sa ‘bago’ daw niya. Na papadamihin mo ang ‘mas’ sayo kesa sa kanya. Ay teh, ano bang mangyayari pag napatunayan mong ‘mas’ ka nga sa kanya? Sasaya ka? At siya? Malulungkot? Syempre hindi! Nasa kanya ang trophy, bat siya malulungkot? Magiging bitter ka lang. Kaya tama na ang comparison dahil kahit saang korte tayo makadating eh talagang ‘mas’ ka sa kalaban mo basta nanay, tatay, at mga kaibigan mo kausap mo.

Back to reality ka na lang na talo ka pa din. Kaya dadali ka ngayon sa mga lines na “Hindi ko kaya ‘to.” “FML.” “I just want to be happy, bat ang unfair ni mr. life?” “Ang malas malas ko.” “I just wanna sleep all day.” “Waking up is the hardest part. Sana di na lang ako gumising.” “I wanna die.” Bongga! Kung makapagdrama, parang nasa prime time bida lang ah, oh eto ang trophy ng Best Actress! Award ka! Eh kaso, buhay ka pa din at sawi. Ano nang gagawin mo ngayon?

Alam mo naman diba? Alam na alam mo yan. Ayaw mo lang gawin.

Pero dadating ka din sa point na sawa ka na magemote. Magpost ng kung anong anong kadramahan sa buhay. Kasi nakakabuwang lang diba? Nakakaubos ng dugo. Nakakatuyot ng brain cells. Nakakagutom. Nakakagutom. Nakakagutom.

Dont worry, it takes time talaga. Pwedeng years na ang lumipas, ganyan ka pa din, na para bang pentium poor ang naikabit dyan sa puso mo at sobrang bagal ng processing. Kung maswerte ka naman at may dial-up connection na nakakabit dyan sayo, malay mo maka 1 buwan, ok ka na. O kung mayaman ka at naka DSL ka, 1 week, solve na yan! Pero meron din namang overnight lang eh okay na, yung mga taong akala ata eh swimming lang ang nangyari. Mabilis man o mabagal ang processing mo, isa lang ang tawag dyan. Alam mo na yun!

Tapos mafefeel mo na lang na ready ka ng maging masaya. Yung totoong saya, yung walang halong kaplastikan. No more hatred and bitterness. Pag ganun, eh ituloy tuloy mo na hanggang sa finish line. Wag mo na hayaang may sumabotahe pa ng good feeling na yan. Buhay mo yan, kontrol mo yan. Ikaw din, mahirap mag back to zero. Papangit ka lang sa stress. Kaya pasayahin mo sarili mo. Matuto ka magpatawad, tanggapin ang katotohanan, at maging masaya na din sa ibang tao. Wag ka mag-alala may tumutulong naman sayo eh. Siya. Yung nasa taas. Not a bird. Not a plane. Not Superman. Him. Tunay yan, di ka Niya pinapabayaan, kapit lang.

Drown yourself in positive vibes. Tandaan mo, sabi ni Lolo Mario sa Coca-cola, Ipinanganak ka para maging masaya” 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s