College

Pakasalan mo ko, Chito Miranda.


shot by: Kreena Echano

Sa unang pagkakataon kong dumalo ng tinatawag na College Night sa aking mahal na kolehiyo, ay nawala ang tinatawag nating “poise” sa aming mga kababaihan.

Moonstar 88. Gloc9. Parokya ni Edgar.

Parokya, Parokya, Parokya, oo Parokya!

Hindi ko itinuturing na avid fan ang sarili ko ng Parokya, kahit na pamilyar ako sa ilang mga kanta nila. Pero dahil sa nangyaring kaguluhan kagabi, nalaman kong hindi lang ako pamilyar sa ilang mga hits nila, pero saulado ko pa ang mga ito!

Chito Miranda: dahil late po kami nagsimula, pinakiusapan po kaming bawasan na lang ang kakantahin namin, dahil diyan, dodoblehin pa namin! Wala naman kayong mga curfew?? cge, tuloy pa natin!

at sa huli ay 12 na kanta ang kanilang naibahagi sa amin. Matagal ko ng gusto si Chito Miranda, dahil sa kanyang makulit na imahe, pero kagabi ay mas na-inlove ako sa lalaking ito. Hindi mo na kailangang makiusap Chito, dahil handa akong lasingin ka.

Salamat at sa unahan kami nakapwesto. Salamat at nahawakan ka namin, Chito, pero mas maswerte pa din ang mga nakahalik sa’yo at si Bubbles na MC na kinantahan mo, hinalikan, at niyakap. Salamat din at nagpakahulog ka sa’min Vinci, pasensya na at hindi din ako kasali sa sumalo, nahulog ka tuloy, may ground ka kasi sa katawan. Salamat Buwi, ang bait mo sa mga katabi ko, binigyan mo pa sila ng tubig at niyakap. Salamat na din Gab, nginitian mo ang kaibigan kong si Moubee na pinakanagcheer sa’yo ng gabing iyon.

Hindi ito ang huling pagkakataon na mapapanood namin kayo, pangako. VIP ticket sa mga concert niyo sa hinaharap, yun ang nais namin.

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang sulatin na ito, kaya ganito na lang bigla na lang mawawala.

Advertisements

2 thoughts on “Pakasalan mo ko, Chito Miranda.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s